Nakapunta na ba kayo sa Baguio? Nalanghap niyo na ba ang malamig na hangin roon? Eh natikman niyo na ba ang masarap na STRAWBERRY doon? Ako? Naranasan ko na lahat ng ‘yan!! Hindi ko makakalimutan ang pagpunta namin sa Baguio!!
Hindi ko makakalimutan ang araw na pumunta kami sa Baguio!! Maaga akong nagising noong araw na iyon, maagang naligo, nag-ayos, at nag-ready!! ‘‘Super excited na ako na pumunta sa Baguio“ ‚iyan ang lagi kong sinasabi kapag humaharap ang pinsan ko sa akin!! Eto na!! Sa wakas, nasa Baguio na kami!! Naisip ko, “ Ang lamig pala dito “ . Pero masarap!! Ang una naming ginawa ay pumunta sa taniman ng srawberry!! Pumitas kami at inilagay sa isang malaking basket ang mga strawberry. Pagkatapos noon ay pumunta kami sa isang maliit na tindahan para bumili ng “souvenirs“!! Ang ibinili sa akin ng nanay ko ay kahoy na lapis ang disenyo at ang disenyo ng pambura nito ay strawberry!! Ang cute nung lapis na iyon na hanggang ngayon ay pinakatago-tago ko!! Kumain kami ng ice cream na ang flavor ay strawberry!!!! Ang saraap!! Hindi ko talaga iyon makakalimutan!!
Oh? Na-excite ba kayo?? Kung gusto ninyong maranasan ang naranasan ko , pumunta na rin kayo sa Baguio!! Hinding-hindi kayo magsisisi sa sobrang ganda at kalamigan ng hangin! Makakapitas rin kayo nng malalaking strawberry, makakakain ng espesyal na ice cream!! Tara na! Bisita na sa Baguio!! :)
- Jean Cleo Canlas
"Ang Hindi Makalimutang Pamamasyal Sa Angeles City"
Ang aking di makalimuting pagpasyal sa Angeles City. Marami Kaming lugar na na naputahian sa Angeles City katulad ng Restaurants at mga malls.Di naming Sinasadyang mapuntahan ang mga iyon. Napuntahan naming ang mga malls at Restaurrants ng di sinasadya. Pupunta lamang kami sa bahay ng aking kaibingan upang dumalo sa kanyang kaarawan. Sabi ng aking kaibingan pumunta kami sa robnson para bumuli ng guitara.
Pakatapos, naglakad lang kami papunta sa Robinson. Ang ginawa naming doon naglaro at nagpicture hindi kami nakahanap ng guitara. Lumabas kami sa Robinson, naglakad kami papunta sa SM Clark tapos mayroon kami nakita na nagbebenta ng guitara pumunta kami doon bumili na kami ng guitara at mga gamit para sa maayos ang guitara kapag nasira. Mayroon kami nakita na Restaurant na para itong Chinese restaurants. Ang mahal ng pagkain nila pero ito’y masarap. Pumunta naman kami sa SM Clark para manood ng sine.
Ang ganda ng mga restaurant at mga malls sa Pampanga. Ang ganda rin ng mga sinehan ng mga pinoy. Masarap ang mga pagkain dito sa pampanga. Maghikayat pa ng luto.
- Kerwin Reyes
“Ang Aming Masayang Fieldtrip sa Maynila”
Bago sa lahat ako nga pala si Jacob at ibabahagi ko ang aking karanasan sa aming field trip sa maynila. Marami kaming mga pinuntahan tulad ng star city, quezon city circle at mind museum. Ituloy niyo lang ang inyong pagbabasa para malaman niyo pa ang aking mga naranasan.
Ang aming field trip ay tig 1300 na piso at iyon ay sulit na sulit dahil na enjoy ko ito at marami akong natutunan mula dito. Ang una n aming pinuntahan ay ang quezon city crcle. Nasa quezon city crcle ang mga gamit n gating yumaong pangalawang president ng pilipinas na si manuel a. quezon. Makikita mo rin doon ang libingan niya. Ang pangalkawa naming pinuntahan ay ang mind museum. Napaka ganda ng lugar dahil maraming mga robots at mge ibat ibang teknolohiya ang naka display doon. Sinubukan ko ang makina na tumataas ang iyong buhok habang hinahawakan mo ang bolo na nsa gitna nd stage. Nanood ako ng palabas sa may bandan sulok at napaka ganda ng palabas dahil parang sine ang laki at parang 3d ito. Pumunta naman ako sa may yunnel na may umiikot na parang planeta at parang umiikot ang daanan kaya ako ay nahilo at ako ay na enganyo. ang ikatlo naming pinuntahan ay ang star city. Sa star city ako talagang nag enjoy dahil sumakay ako ng maraming rides. Ang una naming pinuntahan ay ang snow world. Na nila maiko james kurt at jc sa may slide. Parang mapapaihi ka pag baba Nagslide kami napakalamig doon na parang magkaka frosbite ka! Ang pangalawa kong sinakyan na ride ay ang jungle splash Napakaraming taong nakapila at noong. kami na ang susunod, kaming dalawa ni james ang nakasakay sa sasakyan at noong umaandang na ito pumunta ang sasakyan sa maliit na slide, pagkatapos noon pumasok ito sa tunnel at nagkanta kami (adventure time theme song) at noong pataas na ang sasakyan nagkanta nanaman kmi(maalaala mo kaya) at noong pabagsak na ito sa malaking slide (maalaala mo kayaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!) at (bugsh!) noong bumagsak na ito. Ang pangatlo kong sinakyan ay ang surf dance. Noong kami na ang sasakay nakaupo ako sa may dulo at katabi ko sina jc at maiko habangnasa harapan si james. Noong nagsimula ng gumana ang ride ay biglang sumigaw si maiko at pinagtatadjak niya ang sahig at dahil sa sobrang takot nya ay natakot din ako habang tinatawanan ko si maiko. At ang ikaapat naming pinuntahan naming ay ang Frisbee. Nakakatakot sa unang tingin pero enjoy sa sakay. Katabi ko si maiko noon at nang nasimula ng gumalaw ang ride ay bumaba ang stage. Noong nasa may bandang taas kami, sinabi k okay maiko kung ok lang sya tapos sabi nya ok lang daw sya. Pagkatapos ng apat na mga rides ay pumunta kami sa tatlong horror house, hindi man masyadong nakakatakot dahil mga robots lang at hind totoong tao ang tumatakot sa iyo.
At iyon ang aking mga karanasan sa aking pinakamasayang fieldtrip.
- Allan Jacob Arceo
"Ang Pinakamasayang Paglalakbay Capas Tarlac"
Ako si Geralyn Rose Tolentino. Ako ay nasa ika-7 baitang pangkat Leibnitz sa paaralan ng CMRICTHS. Nakapunta na ba kayo sa Death March sa Capas, Tarlac? Gusto niyo bang maglakbay at malaman ang ganda ng lugar na ito.
Ang Death March sa Capas, Tarlac ay ang lugar kung saan namatay ang mga ibang Pilipino at Amerikano. Kasama ko ang aking pamilya. Dito kami namasyal dahil maganda ito. Maganda ang tanawin at talagang malamig ang hangin. Dito ako nakakita ng maraming bandera ng Pilipinas na nakatayo doon. Dito rin ako nakakita ng malaking tore. Habang nandoon kami hinanap ko ang mga pangalan ng aming mga kamag-anak . Nakakita ako ng mga kamag-anak ko at halis mga 20 silang nakasulat ang pangalan. At nakakita rin kami ng Amerikano doon.
Habang kami'y naglilibot ako ay pumunta sa may malaking pader kung saan nakaukit/nakasulat ang bilang ng mga taong namatay doon at halos mga pilipino. Kumain kami sa may malapit sa malaking tore at ang malamig talaga ang hangin. Pagkatapos naming kumain ay nagpicture picture kami.
Heto na ang aking di makakalimutang pamamasyal ko. At nais ko rin maranasan niyo ang aking naranasan . Kung gusto niyong makakita ng magandang tanawin, sariwang hangin punta na kayo sa "Death March sa may Capas, Tarlac
- Geralyn Rose Tolentino
“Ang Aking Paglalakbay sa Candaba Pampanga”
Nakapunta kana ba sa Candaba Pamapanga? Maganda doon at malawak ang lugar doon. Magaganda ang mga tanawin doon at madaming puno. Merong isang resort doon na Lola Corazon. Maganda doon at madaming activities na pwedeng gawinn doon dahil may playground, swimming pool at madami pang magagandang Gawain.
Pumunta kami doon para sa aming retreat. Nagover night kami doon kasama ng aking mga classmate. Malawak ang playground doon at naka aircon ang mga kwarto doon. Mayroon ding swimming pool doon. Nang pagkatanghali nag swimming kami at pwede ring mag wall climbing, repeling at zipline doon. Nagbanka ang kuya ko at ang mga kasama nyang mga classmate. Pagka gabi nag youth gig kami doon at nag bonfire.
Nag-enjoy talaga ako doon. Isa yoon sa mga hindi ko makakalimutan na pangyayaru sa buhay ko. At sana ay makapunta pa uli ako doon.
- Phoebe Grace Sanchez
"Ang Hindi Makalimutang Paglalakbay "
Gusto mo bang malaman kung saang lugar ang pinakamsaya? Ano bang pangalan ng lugar? Alam mo rin ba ang pinakamasayang lugar na pwedeng puntahan sa Pilipinas? Ano ba ang meron sa amusement park sa Luzon? Malalaman mo ang lahat ng iyan dito.
Ang pinakamasayang lugar ay ang Enchanted Kingdom. Ang enchanted kingdom ang pinakamasayang lugar na napuntahan ko sa Maynila. Alam mo ba na marami ang kainan doon? Pwede mong sakyan ang lahat ng rides . Alam mo ba nunng sumakay ako sa "Anchors Away". Sa gitna pa lang nakakatakot na , nakakalula. Muntik pa nga akong magsuka sa bilis non' . Marami din yung food stall at lalo na masasarap pa. Meron ding shopping mart doon na pwede kang mamili.
Kung ako sa iyo pupunta na ako sa Enchanted Kingdom!! Dito kumpleto ang saya mo! Makakalimutan mo ang lahat ng problema mo.AT sigurado na marami kang ikekwento sa mga kaibigan mo o sa mga magulang mo!Kaya tara!! Punta ka na!!
- Reniel Dizon
"Ang Aking Hindi Makalimutang Paaralan" Ang aking hindi makakalimutang lugar ay ang aking paaralan noong nasa elementarya pa ako. ALam niyo kung bakit? Dahil dito ako natutong magbasa, magsulat, at dito ako nagka-isip. Dito rin ako natutong makipag-kapwa ng maayos at walang alinlangan.
Ang pangalan ng aking dating paaralan ay Dr. Clemente N. Dayrit Sr. Elem. School. Dito ako natuto kung paano magbasa, magbilang. Ito ay malaki at maraming gardens, may dalawang malaking gusali, at dalawang maliit na canteen at may isang simpleng chapel. Ang paaralan kong ito ay malaki at maganda. Maramng mga halaman na nakatanim. Dito rin ako natutong magtanim.
At sa palagay ko, ito na ang pinakamagandang paaralan na nasilayan ko. Ito ay hinding-hindi ko makakalimutan. Dahil dito ako natuto kung paano magtiwala sa PANGINOON, at gumalang sa mga magulang. AT itinuring ko itong ikalwa ko bahay.